Kidlat ng Silanganan-Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan

Biblia, Diyos, Ebanghelyo, Jesus, Jehovah,

Kidlat ng Silanganan-Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan

   Kung nais mong maging karapat-dapat magamit ng Diyos, nararapat mong malaman ang gawain ng Diyos; nararapat mong malaman ang gawain na Kanyang isinagawa noon (sa Bago at Lumang Tipan), at, higit sa lahat, nararapat mong malaman ang Kanyang gawain ngayon. Ang ibig sabihin, nararapat mong malaman ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa loob ng 6,000 na taon. Kung ikaw ay inatasang magpalaganap ng ebanghelyo, sa gayon hindi ninyo ito magagawa kung hindi ninyo alam ang gawain ng Diyos.

Magtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Biblia, at ang Lumang Tipan, at kung ano ang sinabi at ginawa ni Jesus sa panahong iyon. Sasabihin nila, “Hindi ba kayo sinabihan ng Diyos ninyo tungkol dito? Kung hindi Niya (Diyos) masabi sa inyo ang mga tunay na nagaganap sa Biblia, Siya ay hindi Diyos; kung kaya Niya, kami ay maniniwala.” Sa simula, nangusap si Jesus tungkol sa Lumang Tipan sa Kanyang mga disipulo. Ang lahat ng kanilang nabasa ay mula sa Lumang Tipan; ang Bagong Tipan ay nasulat lamang ilang dekada pagkatapos ng pagkakapako sa krus ni Jesus. Upang mapalaganap ang ebanghelyo, nararapat ninyong unahing maunawaan ang katotohanan ng Biblia, at ang gawain ng Diyos sa Israel, na ang ibig sabihin ay ang gawaing isinagawa ni Jehovah. At nararapat din ninyong maintindihan ang gawaing isinagawa ni Jesus. Ito ang mga isyung ipinag-aalala ng lahat ng tao, at sila ay hindi nagtataglay ng pang-unawa[a] sa dalawang yugto ng gawain na ito. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, isantabi muna ang usapan tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu ngayon. Ang yugto ng gawaing ito ay hindi abot ng kanilang kakayanan, dahil ang inyong hinahanap ay ang pinakamatayog sa lahat: ang kaalaman ng Diyos, at ang kaalaman sa gawain ng Banal na Espiritu, at walang higit na itinataas maliban sa dalawang ito. Kung una mong pag-uusapan kung ano ang matayog, ito ay magiging labis para sa kanila, dahil walang sinuman sa kanila ang nakaranas sa ganoong gawain ng Banal na Espiritu; wala itong pamamarisan, at hindi madali para sa tao na ito ay tanggapin. Ang kanilang mga karanasan ay mga lumang bagay mula sa nakaraan, na mayroong mga paminsan-minsang gawain ng Banal na Espiritu. Ang naranasan nila ay hindi ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon, o ang kalooban ng Diyos ngayon. Sila ay kumikilos pa rin ayon sa mga lumang pagsasagawa, na walang bagong liwanag, o bagong mga bagay.

   Sa panahon ni Jesus, unang isinagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain kay Jesus, habang ang mga naglilingkod kay Jehovah na nakasuot ng mga kasuotang pang-pari sa templo ay isinagawa ang mga ito ng mayroong katapatan. Nasa kanila rin ang gawain ng Banal na Espiritu, ngunit hindi nila naramdaman ang kasalukuyang kalooban ng Diyos, at nanatiling tapat lang kay Jehovah ayon sa mga lumang kaugalian, na walang bagong pamamatnubay. Dumating si Jesus at nagdala ng bagong gawain. Ang mga tao sa templo ay walang bagong pamamatnubay, ni mayroong bagong gawain. Sa kanilang paglilingkod sa templo, pinaninindigan nila ang mga lumang kaugalian; sa hindi pag-alis sa templo, wala silang bagong pagpasok. Ang bagong gawain ay dinala ni Jesus, at hindi nagpunta sa templo si Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain. Isinagawa Niya lamang ang Kanyang gawain sa labas ng templo, dahil ang sakop ng gawain ng Diyos ay matagal nang nagbago. Hindi Siya gumawa sa loob ng templo, at nang pinaglingkuran Siya ng tao doon pinanatili lang nito ang mga bagay, at hindi nakapagdala ngbagong gawain. Gayundin, ang mga relihiyosong tao ngayon ay sinasamba pa rin ang Biblia. Kapag ipinalaganap mo ang ebanghelyo sa kanila, doon ay makikipagtalo sila sa iyo tungkol sa Biblia; at kung pinag-uusapan nila ang Biblia, ikaw ay mauubusan ng mga salita, at walang masasabi, at doon ay iisipin nilang ikaw ay hangal sa inyong pananampalataya, na hindi mo alam ang Biblia, ang “Salita ng Diyos”, at paano mo nasasabi na naniniwala ka sa Diyos? Pagkatapos ikaw ay kanilang hahamakin, at sasabihing, Dahil ang inyong pinaniniwalaan ay ang Diyos, bakit hindi Niya sinasabi sa inyo ang tungkol sa Luma at Bagong Tipan? Dahil dinala Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel hanggang sa Silangan, bakit hindi Niya alam ang gawaing isinagawa sa Israel? Bakit hindi Niya alam ang gawain ni Jesus? Kung hindi ninyo alam, ito ay nagpapatunay na hindi kayo sinabihan; dahil Siya ang pangalawang pagkakatawang-tao ni Jesus, bakit hindi Niya alam ang mga bagay na ito? Alam ni Jesus ang gawaing isinagawa ni Jehovah; paanong hindi Niya alam? Kapag dumating ang panahon, tatanungin nilang lahat sa iyo ang mga tanong na ito. Puno ng mga bagay na ito ang kanilang mga pag-iisip; bakit hindi sila magtatanong? Ang mga nasa agos na ito ay hindi nakatuon sa Biblia, dahil sinabayan ninyo ang bawat hakbang ng gawaing isinagawa ng Diyos ngayon, nasaksihan ninyo ang bawat hakbang ng gawain na ito sa pamamagitan ng sarili ninyong mga mata, maliwanag ninyong napagmasdan ang bawat hakbang sa tatlong yugto, kaya kinailangan ninyong ibaba ang Biblia at itigil ang pag-aaral dito. Ngunit hindi nila ito mapag-aaralan, dahil wala silang kaalaman sa mga hakbang sa gawaing ito. Ang ibang tao ay magtatanong, “Ano ang pagkakaiba ng gawaing isinagawa ng nagkatawang-taong Diyos sa gawain ng mga propeta at mga apostol noon?” Si David ay tinawag din na Panginoon, gayundin si Jesus; bagaman magkaiba ang gawaing kanilang isinagawa, magkatulad ang itinawag sa kanila. Bakit, sinasabi mo, hindi magkatulad ang kanilang pagkakakilanlan? Ang nakita ni Juan ay isang pangitain, isang nagmula rin sa Banal na Espiritu, at nasabi niya ang mga salitang balak sabihin ng Banal na Espiritu; bakit magkaiba ang pagkakakilanlan ni Juan at ni Jesus? Ang mga salitang sinabi ni Jesus ay maaaring ganap na kumatawan sa Diyos, at ganap na kumatawan sa gawain ng Diyos. Ang nakita ni Juan ay isang pangitain, at siya ay walang kakayahang ganap na kumatawan sa Diyos. Bakit nagpahayag ng maraming salita sina Juan, Pedro at Pablo—gayundin si Jesus—ngunit iba pa rin ang kanilang pagkakakilanlan kay Jesus? Ito ay dahil ang kanilang gawain ay magkakaiba. Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ang tuwirang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehovah, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehovah. Kaya gaano man karami ang gawaing kanilang isinagawa, gaano man kadakila ang mga himalang kanilang ginawa, sila’y mga nilalang lamang ng Diyos, at walang kakayahang kumatawan sa Espiritu ng Diyos. Sila ay gumawa para sa ngalan ng Diyos o matapos ipadala ng Diyos; higit pa rito, sila ay gumawa sa panahong sinimulan ni Jesus o Jehovah, at ang gawaing kanilang isinagawa ay hindi magkahiwalay. Sila’y, sa makatuwid, mga nilalang lamang ng Diyos. Sa Lumang Tipan, maraming mga propeta ang nagpahayag ng mga hula, o nagsulat ng mga aklat ng hula. Walang nagsabi na sila ang Diyos, ngunit nang nagpakita si Jesus, bago Siya nagpahayag ng anumang mga salita, ang Espiritu ng Diyos ay nagpatotoo sa Kanya bilang Diyos. Bakit ganon? Sa puntong ito, dapat ay alam mo na! Noon, ang mga apostol at propeta ay nagsulat ng iba’t ibang kalatas, at gumawa ng maraming hula. Kalaunan, pumili ang mga tao mula sa mga ito na maaaring mailagay sa Biblia, at ang ilan ay nawala. Dahil may ibang tao na nagsasabi na ang lahat ng kanilang sinasabi ay nagmula sa Banal na Espiritu, bakit itinuring na mabuti ang ilan sa mga ito, at ang ilan ay itinuring na masama? At bakit ang ilan ay napili at ang iba ay hindi? Kung ang mga ito ay talagang mga salita mula sa Banal na Espiritu, kailangan pa bang mamili ng mga tao sa mga ito? Bakit ang mga ulat ng mga salitang ipinahayag ni Jesus at ang Kanyang mga gawain ay iba sa Apat na Ebanghelyo? Hindi ba ito kasalanan ng mga nagtala rito? Ang ibang tao ay magtatanong, “Dahil ang mga kalatas na isinulat ni Pablo at ng ibang mga manunulat sa Bagong Tipan at ang gawaing isinagawa nila ay bahagyang nagmula sa kalooban ng tao, at naihalo sa mga pagkakaintindi ng tao, sa gayon wala bang bahid ng dumi sa mga salitang Iyong (Diyos) ipapahayag ngayon? Hindi ba talaga ito nagtataglay ng mga pagkaintindi ng tao?” Ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay labis na iba mula sa gawain na isinagawa ni Pablo at ng mga apostol at propeta. Hindi lang pagkakaiba sa pagkakakilanlan, ngunit, higit na, mayroong pagkakaiba sa gawaing isinakatuparan. Matapos pabagsakin at sumubsob si Pablo sa harap ng Panginoon, siya ay pinangunahan ng Banal na Espiritu upang gumawa, at siya ay naging sugo. At siya ay sumulat ng mga kalatas sa mga iglesia, at ang lahat ng mga kalatas na ito ay sumunod sa mga turo ni Jesus. Si Pablo ay isinugo ng Panginoon upang gumawa sa ngalan ng Panginoong Jesus, ngunit nang dumating ang Diyos Mismo, Siya ay hindi gumawa gamit ang ibang pangalan, at kinatawan lang ang Espiritu ng Diyos sa Kanyang gawain. Dumating ang Diyos upang tuwirang isagawa ang Kanyang gawain: Hindi Siya ginawang perepekto ng tao, at ang Kanyang gawain ay hindi isinakatuparan ayon sa mga aral ng sinumang tao. Sa yugtong ito ng gawain, hindi nangunguna ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Kanyang mga sariling karanasan, sa halip ay tuwirang isinasagawa ang Kanyang gawain, ayon sa kung ano ang mayroon Siya. Halimbawa, isinasagawa Niya ang mga gawain ng mga tagapaglingkod, sa panahon ng pagkastigo, ang gawain ng kamatayan, ng pagmamahal sa Diyos…. Ito ang mga gawain na hindi pa nagagawa noon, at gawain sa kasalukuyang panahon, sa halip na mga karanasan ng tao. Sa mga salitang Aking binitawan, alin ang mga karanasan ng tao? Hindi ba’t ang mga ito ay tuwirang nagmumula sa Espiritu, at hindi ba ang mga ito ay ipinadala ng Espiritu? Ito ay dahil sa napakahina ng iyong kakayahan kaya hindi mo makita ang katotohanan! Ang praktikal na paraan ng buhay na Aking sinasabi ay ang gabayan ang landas, at hindi pa naipapahayag ng kahit sino, at hindi pa nararanasan ng sinuman ang landas na ito, o nalaman ang katotohanan na ito. Bago Ko ipahayag ang mga salitang ito, hindi pa ito naipapahayag ng sinuman. Walang sinuman ang nakapagpahayag ng ganoong mga karanasan, o nakapag-usap tungkol sa mga ganoong detalye, at higit sa lahat, wala pang nakapagturo sa ganoong kalagayan upang ibunyag ang mga bagay na ito. Walang sinuman ang tumahak sa landas na Aking tinatahak ngayon, at kung ito ay pinangunahan ng tao, hindi ito ang bagong daan. Halimbawa na lang ay sina Pablo at Pedro. Wala silang mga sariling karanasan bago tahakin[b] ang landas na pinangungunahan ni Jesus. Naranasan lang nila ang mga salitang sinabi ni Jesus matapos pangunahan ni Jesus ang landas, at ang landas ay pinangunahan sa pamamagitan Niya; mula rito nagkaroon sila ng mga karanasan, at sinulat ang mga kalatas. Kaya, ang mga karanasan ng tao ay hindi katulad ng gawain ng Diyos, at ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng kaalamang inilalarawan ng mga pagkaintindi at karanasan ng tao. Sinabi Ko nang paulit-ulit, ngayon, pangungunahan Ko ang bagong landas, at isasagawa ang bagong gawain, at ang Aking gawain at pagbigkas ay iba kay Juan at sa lahat ng ibang mga propeta. Hindi Ako magkakamit muna ng karanasan at saka lang sasabihin sa inyo—hindi ganoon pangyayari. Kung ganoon man, hindi ba’t kayo ay maaantala noon? Sa nakalipas, ang kaalaman na sinasabi ng lahat ay itinaas, ngunit ang lahat ng kanilang mga salita ay ipinahayag batay sa mga tinatawag na espirituwal na anyo. Hindi nila pinangunahan ang daan, ngunit dumating mula sa kanilang mga karanasan, pumarito mula sa kanilang mga nakita, at mula sa kanilang kaalaman. Ang ilan ay kanilang mga pagkaintindi, at ang iba ay mga karanasan na kanilang ibinuod. Ngayon, ang kalikasan ng Aking gawain ay lubos na iba sa kanila. Hindi Ko naranasan ang pangunahan ng iba, o ang gawing perpekto ng iba. Higit sa lahat, ang lahat ng Aking mga sinabi at pinagsama ay hindi katulad sa kahit kanino man, at hindi pa nasasabi ng sinuman. Ngayon, hindi alintana kung sinuman kayo, ang inyong gawain ay isinasakatuparan batay sa mga salitang Aking sinasabi. Kung wala ang gawain at ang mga pagbigkas na ito, sino ang mga maaaring makaranas sa mga bagay na ito (ang pagsubok ng[c] mga tagapaglingkod, ang mga panahon ng pagkastigo…), at sino ang maaaring magpahayag sa ganoong kaalaman? Mayroon ka bang kakayahang makita ito? Alin sa mga hakbang sa gawain, sa oras na maipahayag ang Aking mga salita, kayo ay nagsisimulang pinagsama ayon sa Aking mga salita, at gumawa ayon sa mga ito, at hindi ito isang paraan na naisip ng sinuman sa inyo. Ang makarating sa ganito kalayo, hindi mo pa rin ba makita ang napakalinaw at napakapayak na tanong? Hindi ito isang paraan na naisip na ng iba, o batay sa anumang espirituwal na pinuno. Ito ay isang bagong landas, at marami sa mga salitang sinabi ni Jesus noon ang hindi na ginagamit. Ang Aking sinasabi ay ang gawain ng pagbubukas ng bagong panahon, at ito ang gawain na nakatatayo nang mag-isa; ang gawaing Aking isinasagawa, at ang mga salitang Aking sinasabi, ay pawang mga bago. Hindi ba’t ito ang bagong gawain ngayon? Ganito rin ang gawain ni Jesus. Ang Kanyang gawain ay iba rin sa mga gawain ng mga tao sa templo, at iba rin sa gawain ng mga Pariseo, at hindi ito nagtataglay ng pagkakatulad sa mga isinagawa ng mga tao sa Israel. Matapos itong makita, hindi makapagpasya ang mga tao: Ginawa ba talaga ito ng Diyos? Hindi kumapit si Jesus sa kautusan ni Jehovah; nang Siya ay dumating upang magturo sa tao, ang lahat ng Kanyang sinambit ay bago at iba sa mga sinabi ng mga sinaunang santo at propeta sa Lumang tipan, at dahil dito, nanatiling hindi sigurado ang mga tao. Ito ang dahilan kung bakit mahirap makitungo sa tao. Bago pa man tanggapin ang bagong yugto ng gawain na ito, ang landas na tinahak ng karamihan sa inyo ay upang isagawa at pumasok sa saligan ng mga espiritwal na anyo. Ngunit ngayon, ang gawaing Aking isinasagawa ay higit na iba, kaya kayo ay hindi makapagpasya kung ito ba ay tama o hindi. Walang Akong pakialam kung ano ang landas na iyong tinahak noon, o ang mga pagkaing iyong kinain, o kung sino ang itinuring mong “ama.” Dahil Ako ay pumarito at nagdala ng bagong gawain upang gabayan ang tao, ang lahat nang sumusunod sa Akin ay nararapat kumilos ayon sa Aking sinasabi. Gaano man kalaki ang kapangyarihan ng “pamilya” na ioyng pinanggalingan, kailangan mo Akong sundin, at hindi ka dapat kumilos ayon sa iyong mga dating pagsasagawa, ang iyong “ama-amahan” ay dapat magbitiw, at nararapat kang lumapit sa harap ng iyong Diyos upang hanapin ang iyong nararapat na bahagi. Ang kabuuan mo ay nasa Aking mga kamay, at hindi dapat maglaan ng bulag na paniniwala sa ama na umampon sa iyo; hindi ka niya ganap na mapamamahalaan. Ang gawain ngayon ay nakatatayo nang mag-isa. Ang lahat ng sinasabi Ko ngayon ay hindi batay sa saligan mula sa nakaraan; ito ay isang bagong simula, at kung iyong sasabihin na ito ay nilikha ng kamay ng tao, isa ka sa mga bulag na hindi na magagamot!

   Sina Isaias, Ezekiel, Moises, David, Abraham, at si Daniel ay mga pinuno o mga propeta sa mga piniling tao sa Israel. Bakit hindi sila tinawag na Diyos? Bakit hindi nagpatotoo ang Banal na Espiritu sa kanila? Bakit nagpatotoo ang Banal na Espiritu kay Jesus nang Siya ay nagsimula sa Kanyang gawain at ipinahayag ang Kanyang mga salita? At bakit hindi nagpatotoo ang Banal na Espiritu para sa iba? Sila, mga taong mula sa laman, lahat ay tinawag na “Panginoon.” Hindi alintana kung ano ang tawag sa kanila, ang kanilang gawain ay kumakatawan sa kanilang diwa at pagkatao, at ang kanilang diwa at pagkatao at kumakatawan sa kanilang pagkakakilanlan. Ang kanilang diwa ay walang kaugnayan sa kanilang katawagan; ito ay kumakatawan sa kung ano ang kanilang ipinahayag, at kung ano ang kanilang isinasabuhay. Sa Lumang Tipan, walang hindi pangkaraniwan kung ikaw ay tatawaging Panginoon, at ang isang tao ay maaaring tawagin sa kahit na anong paraan, ngunit ang kanyang diwa at likas na pagkakakilanlan ay hindi nagbabago. Kabilang sa mga bulaang Kristo, bulaang propeta at mga mandaraya, wala bang mga tinatawag ding Diyos? At bakit hindi sila Diyos? Dahil wala silang kakayahan upang isagawa ang gawain ng Diyos. Ang pinakaugat, sila’y mga tao, mga mandaraya ng tao, at hindi Diyos, kaya wala sa kanila ang pagkakakilanlan ng Diyos. Hindi ba’t si David ay tinawag ding Panginoon ng labindalawang tribo? Si Jesus ay tinawag din na Panginoon; bakit si Jesus lamang ang tinawag na nagkatawang-taong Diyos? Hindi ba’t tinawag ding Anak ng tao si Jeremias? Hindi ba’t si Jesus ay kilala rin bilang Anak ng tao? Bakit ipinako sa krus si Jesus alang-alang sa Diyos? Dahil ba iba ang Kanyang diwa? Hindi ba ito dahil ang gawaing Kanyang isinagawa ay iba? Mahalaga ba ang titulo? Kahit na si Jesus at tinawag ding Anak ng tao, Siya ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos, Siya ay dumating upang magkaroon ng kapangyarihan, at isakatuparan ang gawain ng pagtubos. Ito ay nagpapatunay na ang pagkakakilanlan at diwa ni Jesus ay naiiba mula sa ibang tinawag ding Anak ng tao. Ngayon, sino sa inyo ang magtatangkang magsabi na ang lahat ng salitang ipinahayag ng mga ginamit ng Banal na Espiritu ay mula sa Banal na Espiritu? Mayroon ba sa inyo ang magtatangkang sabihin ito? Kapag sinabi mo ang mga ito, bakit iwinaksi ang aklat ng hula ni Ezra, at bakit ganoong din ang ginawa sa mga aklat ng mga sinaunang santo at propeta? Kung ang lahat ng iyon ay mula sa Banal na Espiritu, gayon bakit kayo nagtatangkang gawin ang mga pabago-bagong pagpili? Ikaw ba ay karapat-dapat na pumili ng gawain ng Banal na Espiritu? Maraming mga kwento mula sa Israel ang iniwaksi rin. At kung ikaw ay naniniwala na ang mga kasulatang ito sa nakaraan ay mula sa Banal na Espiritu, sa gayon bakit iwinaksi ang ilan sa mga aklat? Kung ang lahat ng ito ay mula sa Banal na Espiritu, ang lahat ng mga ito ay dapat itago, at ipadala sa mga kapatid ng mga iglesia upang basahin. Hindi ito dapat pamilian at maiwaksi batay sa kalooban ng tao; mali ang gawin iyon. Ang pagsabi na ang mga karanasan nina Pablo at Juan ay nakahalo sa kanilang mga sariling nakikita ay hindi nangangahulugan na ang kanilang mga karanasan at kaalaman ay mula kay Satanas, sa halip ay dahil mayroong mga bagay na nagmula sa kanilang mga sariling karanasan at nakikita. Ang kanilang kaalaman ay ayon sa kanilang mga tunay na karanasan sa panahong iyon, at sino ang tiyak na makapagsasabi na ang lahat ng ito ay mula sa Banal na Espiritu? Kung ang lahat na Apat na Ebanghelyo ay nagmula sa Banal na Espiritu, bakit magkakaiba ang sinabi nina Mateo, Marcos, Lucas at Juan tungkol sa gawain ni Jesus? Kung hindi kayo naniniwala rito, tingnan ninyo ang mga tala sa Biblia kung paanong tatlong beses na itinanggi ni Pedro si Jesus: Magkakaiba silang lahat, at sila ay mayroong kani-kanyang mga katangian. Maraming mga mangmang ang nagsasabing, ang Diyos na nagkatawang-tao ay isa ring tao, kaya ang Kanyang mga salita ba ay mula sa Banal na Espiritu? Kung ang mga salita nina Pablo at Juan ay ihinalo sa kalooban ng tao, sa gayon ang mga salita bang Kanyang sinabi ay hindi nahaluan ng kalooban ng tao? Ang mga taong nagsasabi ng ganoong bagay ay mga bulag, at mangmang! Basahin nang mabuti ang Apat na Ebanghelyo; basahin kung ano ang kanilang itinala tungkol sa mga bagay na ginawa ni Jesus, at ang mga sinabi Niya. Ang bawat ulat ay, magkakaiba, at bawat isa ay mayroong kani-kanyang pananaw. Kung ang lahat ng isinulat ng mga manunulat na ito sa mga aklat ay mula sa Banal na Espiritu, ang lahat ng ito ay dapat magkakatulad at hindi pabago-bago. Kaya bakit mayroong mga hindi pagkakaayon? Ganoon na lang ba kahangal ang mga tao upang hindi ito makita? Kapag ikaw ay naatasang magpatotoo sa Diyos, anong uri ng patotoo ang iyong maibibigay? Ang ganoong pagkilala ba sa Diyos ay makapagpapatotoo sa Kanya? Kung ikaw ay tatanungin ng iba, “Kung ang mga tala nina Juan at Lucas ay ihinalo sa kalooban ng tao, ang mga salita bang sinabi ng inyong Diyos ay hindi nahaluan ng kalooban ng tao?” Makapagbibigay ka ba ng malinaw na kasagutan? Matapos marinig nina Lucas at Mateo ang mga salita ni Jesus, at makita ang gawain ni Jesus, sila ay nagsalita ayon sa kanilang sariling kaalaman, sa paraan ng pag-alala at isinasalaysay ang ilan sa mga katotohanang ginawa ni Jesus. Masasabi mo bang ang kanilang kaalaman ay lubos na naibunyag ng Banal na Espiritu? Sa labas ng Biblia, maraming mga espiritwal na anyo na mayroong higit na matayog na kaalaman kaysa sa kanila; bakit hindi tinanggap ng mga sumunod na salinlahi ang kanilang mga salita? Hindi rin ba sila ginamit ng Banal na Espiritu? Dapat mong malaman na sa gawain ngayon, hindi ako nangungusap ayon sa Aking nakikita batay sa saligan ng gawain ni Jesus, hindi rin Ako nangungusap ayon sa Aking sariling kaalaman laban sa gawain ni Jesus. Anong gawain ang isinagawa ni Jesus sa panahong iyon? At ano ang gawaing Aking isinasagawa ngayon? Anuman ang Aking ginagawa o sinasabi ay walang pamamarisan. Ang landas na Aking tinatahak ngayon ay hindi pa natahak noon, walang sinuman mula sa ibang panahon at salinlahi ang tumahak dito. Ngayon, ito ay nabuksan, hindi ba ito gawain ng Espiritu? Kahit na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, isinakatuparan ng mga pinuno sa nakaraan ang kanilang gawain batay sa saligan ng iba. Ngunit ang gawain ng Diyos Mismo ay iba, gayundin ang yugto ng gawain ni Jesus: Nagbukas Siya ng bagong daan. Nang Siya ay dumating, nangaral Siya ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, at nagsabi na nararapat magsisi ang tao, at umamin. Nang matapos ni Jesus ang Kanyang gawain, ipinagpatuloy nina Pedro at Pablo at ng iba pa ang gawain ni Jesus. Pagkatapos maipako si Jesus sa krus at umakyat sa langit, isinugo sila ng Espiritu upang ipalaganap ang paraan ng krus. Kahit na ang mga salita ni Pablo ay itinaas, ang mga ito ay batay din sa inilatag na saligan ni Jesus, katulad ng pagtitiis, pag-ibig, pagdurusa, pagtatakip ng ulo, pagbabautismo, o ang mga ibang doktrina na dapat sundin. Ang lahat ng ito ay batay sa saligan ng mga salita ni Jesus. Wala silang kakayahan upang magbukas ng bagong daan, dahil lahat sila ay mga tao na ginamit ng Diyos.

   Ang mga pagbigkas at gawain ni Jesus sa panahong iyon ay hindi batay sa mga doktrina, at hindi Niya isinagawa ang Kanyang mga gawain ayon sa gawain ng kautusan ng Lumang Tipan. Ito ay ayon sa gawain na dapat isagawa sa Kapanahunan ng Biyaya. Gumawa Siya ayon sa gawaing Kanyang ipinadala, ayon sa sarili Niyang plano, at ayon sa Kanyang ministeryo; hindi Siya gumawa ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Wala sa Kanyang mga ginawa ang ayon sa kautusan ng Lumang Tipan, at hindi Siya gumawa upang isakatuparan ang mga salita ng mga propeta. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay hindi isinaayos upang isakatuparan ang mga hula ng mga sinaunang propeta, at hindi Siya pumarito upang sumunod sa mga aral o kusang maunawaan ang mga hula ng mga sinaunang propeta. Gayon pa man, ang Kanyang mga kilos ay hindi pumigil sa mga hula ng mga sinaunang propeta, hindi ito naging sagabal sa mga gawain na Kanyang isinagawa. Ang kapansin-pansing bahagi ng Kanyang gawain ay hindi ang pagsunod sa anumang aral, at ang pagsasagawa ng mga gawain na nararapat Niyang gawin. Hindi Siya isang propeta o manghuhula, siya ay gumagawa, Siyang pumarito upang isagawa ang gawaing nararapat Niyang gawin, at upang magbukas ng bagong panahon at ipagpatuloy ang Kanyang bagong gawain. Syempre, nang dumating si Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain, isinakatuparan din Niya ang karamihan sa mga salita ng mga sinaunang propeta sa Lumang Tipan. Gayon din ang gawain ngayon ay naisakatuparan ang mga hula ng mga sinaunang propeta ng Lumang Tipan. Ganoon lang, hindi Ko itinataas ang “nanilaw na lumang almanac”, iyon lang. Sapagkat marami pang mga gawain ang nararapat Kong isagawa, marami pang mga salita ang dapat Kong sabihin sa inyo, at ang gawain at mga salitang ito ay higit na mahalaga kaysa sa pagpapaliwanag ng mga sipi mula sa Biblia, dahil ang mga gawain katulad ng ganoon ay walang malaking kahalagahan o kabuluhan para sa inyo, at hindi kayo matutulungan o mababago. Nagbabalak Ako na magsagawa ng bagong gawain hindi para maisakatuparan ang anumang sipi mula sa Biblia. Kung dumating lang ang Diyos sa lupa upang isakatuparan ang mga salita ng mga sinaunang propeta sa Biblia, sa gayon sino ang mas dakila, ang Diyos na nagkatawang-tao o ang mga sinaunang propeta? Sa makatuwid, ang mga propeta ba ang namumuno sa Diyos, o ang Diyos ang namumuno sa mga propeta? Paano mo maipaliliwanag ang mga salitang ito?

   Sa simula, nang hindi pa nasisimulan ni Jesus ang pagsasagawa ng Kanyang ministeryo, katulad ng Kanyang mga disipulo, minsan ay dumadalo rin Siya sa mga pagtitipon, at umaawit ng mga himno, sumasamba, at binabasa ang Lumang Tipan sa templo. Matapos Niyang mabautismuhan, ang Espiritu ay opisyal na bumaba sa Kanya at sinimulan ang Kanyang gawain, pagbubunyag ng Kanyang pagkakakilanlan at ang ministeryo na isasagawa Niya. Bago ang lahat nang ito, walang nakakaalam sa Kanyang pagkakakilanlan, at maliban kay Maria, hindi rin ito alam ni Juan. Si Jesus ay 29 nang Siya ay sumailalim sa bautismo. Nang matapos ang Kanyang bautismo, nagbukas ang kalangitan, at isang tinig ang nagsabi: “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.” Nang nabautismuhan si Jesus, nagsimulang magpatotoo ang Banal na Espiritu sa Kanya. Bago Siya sumailalim sa bautismo sa gulang na 29, namuhay Siya na parang isang karaniwang tao, kinakain kung ano ang dapat Niyang kainin, normal na natutulog at nagbibihis, at walang anuman sa Kanya ang iba mula sa ibang tao. Sabihin pa, ito ay para lang sa mga mata ng tao. Minsan Siya ay mahina rin, at minsan ay hindi rin Niya maintindihan ang ibang bagay, katulad ng nakasulat sa Biblia: “Ang Kanyang katalinuhan ay lumawig kasabay ng Kanyang edad.” Ang mga salitang ito ay nagpapakita lamang na nagkaroon Siya ng karaniwan at payak na pagkatao, at hindi naiiba mula sa ibang karaniwang tao. Siya ay lumaki rin bilang isang karaniwang tao, at walang natatangi sa Kanya. Ngunit, Siya ay nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Nang Siya ay mabautismuhan, nagsimula Siyang matukso, pagkatapos ay sinimulan Niyang isagawa ang Kanyang ministeryo at gawain, at nagtaglay ng kapangyarihan, at karunungan, at awtoridad. Hindi ito nangangahulugang hindi kumilos sa Kanya ang Banal na Espiritu, o wala sa Kanya bago ang Kanyang bautismo. Bago ang Kanyang bautismo, ang Banal na Espiritu ay nanahan sa Kanya ngunit hindi sinimulan ang gawain, dahil mayroong mga limitasyon kung kailan sinisimulan ng Diyos ang Kanyang gawain, at higit sa lahat, ang mga karaniwang tao ay mayroon karaniwang paraan ng paglaki. Ang Banal na Espiritu ay palaging nananahan sa Kanya. Nang isinilang si Jesus, Siya ay kakaiba mula sa lahat, at lumabas ang isang tala sa umaga; bago Siya isilang, nagpakita ang isang anghel kay Jose sa pamamagitan ng isang panaginip at nagsabi na si Maria ay manganganak ng isang sanggol na lalaki, at ang sanggol na iyon ay mula sa Banal na Espiritu. Kanyang hindi iyon matapos nang pagbautismo kay Jesus, kung saan din opisyal na nagsimula ang Banal na Espiritu sa Kanyang gawain, na ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya. Ang kasabihan na ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya na parang isang kalapati ay tumutukoy sa opisyal na pagsisimula ng Kanyang ministeryo. Ang Espiritu ng Diyos ay nananahan na sa Kanya noon pa man, ngunit hindi Siya nagsimula sa Kanyang gawain, dahil hindi pa dumarating ang tamang panahon, at hindi nagmadali ang Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay nagpatotoo sa Kanya sa pamamagitan ng bautismo. Nang Siya ay umahon mula sa tubig, nagsimula ang Banal na Espiritu na kumilos sa Kanya, na nagpatunay na ang katawan ng Diyos na naging-tao ay nagsimulang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at sinimulan ang gawain ng pagtubos, iyon ay, ang Kapanahunanng Biyaya ay opisyal na nagsimula. Kaya, mayroong oras para sa gawain ng Diyos, anuman ang isagawa Niyang gawain. Matapos ang Kanyang bautismo, walang natatanging pagbabago kay Jesus; Siya’y nasa Kanyang orihinal na katawang-tao pa rin. Sinimulan lang Niya ang Kanyang gawain at ibinunyag ang Kanyang pagkakakilanlan, at Siya ay puno ng awtoridad at kapangyarihan. Sa puntong ito, Siya ay iba na mula sa dati. Iba na ang Kanyang pagkakakilanlan, maaaring sabihin na mayroong makabuluhang pagbabago sa Kanyang kalagayan; ito ang patotoo ng Banal na Espiritu, at hindi ang gawaing isinagawa ng tao. Sa simula, hindi alam ng mga tao, at mayroon lang silang kaunting nalaman nang nagpatotoo ang Banal na Espiritu para kay Jesus. Kung nagsagawa ng dakilang gawain si Jesus bago magpatotoo ang Banal na Espiritu sa Kanya, ngunit wala ang patotoo ng Diyos Mismo, gaano man kadakila ang gawain ni Jesus, hindi malalaman ng mga tao ang Kanyang pagkakakilanlan, dahil hindi magkakaroon ng kakayahan ang mga mata ng tao na makita ito. Kung wala ang hakbang ng pagpapatotoo ng Banal na Espiritu, walang makakikilala sa Kanya bilang Diyos na nagkatawang-tao. Kung matapos magpatotoo ng Banal na Espiritu sa Kanya, at si Jesus ay nagpatuloy na gumawa sa parehong paraan, na walang pagkakaiba, sa gayon hindi ito magkakaroon ng ganoong epekto. At ito ay nagpakita ng gawain ng Banal na Espiritu. Matapos magpatotoo ng Banal na Espiritu, kinailangang magpakita ang Banal na Espiritu, nang sa gayon at iyong mapatunayan na Siya ang Diyos, na nasa Kanya ang Espiritu ng Diyos; hindi mali ang patotoo ng Diyos, at ito ay magpapatunay na ang Kanyang patotoo ay tama. Kung ang gawain noon at ngayon ay iisa, ang ministeryo Niya ng pagkakatawang-tao, at ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi mabibigyang-diin, kaya hindi magkakaroon ng kakayahan ang mga tao na makilala ang gawain ng Banal na Espiritu, dahil walang malinaw na pagkakaiba. Matapos magpatotoo, nararapat panindigan ng Banal na Espiritu ang patotoong ito, kaya kinailangan Niyang ipahayag ang Kanyang karunungan at awtoridad sa pamamagitan ni Jesus, na naiiba mula sa mga nakaraan. Sabihin pa, hindi ito ang bunga ng bautismo; ang bautismo ay isang pagdiriwang lang, ang bautismo ay isang paraan lang upang maipakita na oras na upang isagawa ang Kanyang ministeryo. Ang ganoong gawain ay upang maipakita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at maipakita ang patotoo ng Banal na Espiritu, at pananagutan ng Banal na Espiritu ang patotoong ito hanggang sa katapusan. Bago isagawa ang Kanyang ministeryo, nakinig din si Jesus sa mga turo, nangaral at nagpalaganap ng ebanghelyo sa iba’t ibang lugar. Hindi Siya nagsagawa ng mga dakilang gawain dahil hindi pa dumarating ang oras upang isagawa Niya ang Kanyang ministeryo, at mapagpakumbabang itinago ang Diyos Mismo sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, at hindi nagsagawa ng ibang gawain hanggang dumating ang tamang panahon. Hindi Siya gumawa bago ang bautismo dahil sa dalawang katuwiran: Una, dahil ang Banal na Espiritu ay hindi pa opisyal na bumababa sa Kanya upang gumawa (maaaring sabihin na, hindi pa ipinagkaloob ng Banal na Espiritu kay Jesus ang kapangyarihan at awtoridad upang isagawa ang ganoong gawain), at kahit na nalaman Niya ang Kanyang pagkakakilanlan, walang kakayahan si Jesus upang isagawa ang gawaing nararapat Niyang isagawa nang maglaon, at kinailangang maghintay hanggang sa araw ng Kanyang bautismo. Ito ang panahon ng Diyos, at walang maaaring sumalungat dito, kahit na si Jesus Mismo; walang kakayahan si Jesus Mismo upang salungatin ang Kanyang sariling gawain. Syempre, ito ang pagpapakumbaba ng Diyos, at gayundin ang kautusan ng gawain ng Diyos; kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi gumawa, walang makagagawa sa Kanyang gawain. Pangalawa, bago Siya sumailalim sa bautismo, Siya ay isang karaniwan at payak na tao lang, at walang pinagkaiba mula sa mga karaniwan at payak na tao; ito ang isang aspeto kung paanong ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi nakahihigit sa karaniwan. Hindi sinalungat ng Diyos na nagkatawang-tao ang pagsasaayos ng Espiritu ng Diyos; Siya ay gumawa sa maayos at payak na paraan. Pagkatapos lang ng bautismo nagkaroon ng awtoridad at kapangyarihan ang Kanyang gawain. Maaaring sabihin, na kahit Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, hindi Siya nagsagawa ng mga hindi pangkaraniwang gawa, at lumaki na katulad ng mga karaniwang tao. Kung nalaman agad ni Jesus ang Kanyang pagkakakilanlan, at nagsagawa ng mga dakilang gawain sa buong lupain bago ang Kanyang bautismo, at naging kakaiba mula sa ibang tao, ipinapakita ang sarili Niya bilang katangi-tangi, hindi lang magiging imposible para kay Juan na isagawa ang Kanyang gawain, ngunit hindi rin magkakaroon ng paraan upang masimulan ng Diyos ang susunod na yugto ng Kanyang gawain. At kaya ito sana ay magpapatunay na ang ginawa ng Diyos ay mali, at sa tao, magmimistulang ang Espiritu ng Diyos at ang naging-taong katawan ng Diyos ay hindi nagmula sa iisang pinanggalingan. Kaya ang gawain ni Jesus na naitala sa Biblia ay ang gawain na isinagawa matapos Siyang bautismuhan, ang gawaing isinagawa sa loob ng tatlong taon. Hindi naitala sa Biblia ang Kanyang ginawa bago Siya sumailalim sa bautismo dahil hindi Niya isinagawa ang gawaing ito bago Siya bautismuhan. Isa lang Siyang karaniwang tao, at kumatawan sa isang karaniwang tao; bago sinimulan ni Jesus ang Kanyang ministeryo, walang Siyang ipinagkaiba mula sa mga karaniwang tao, at ang iba ay hindi makita ang pagkakaiba Niya mula sa ibang tao. Nang si Jesus ay tumuntong sa gulang na 29, nalaman Niyang naisakatuparan na Niya ang isang yugto sa gawain ng Diyos; noon, Siya Mismo ay hindi alam, dahil ang gawaing isinagawa ng Diyos ay pangkaraniwan. Nang dumalo Siya sa isang pagtitipon sa sinagoga noong Siya ay labindalawang-taong gulang, hinahanap Siya ni Maria, at isang pangungusap lang ang Kanyang sinabi, sa parehong paraan ng kahit na sinumang bata: “Inay! Hindi mo ba alam na dapat Kong unahin ang kalooban ng Aking Ama kaysa sa lahat?” Dahil Siya ay ipinagbuntis mula sa Banal na Espiritu, hindi ba Siya maituturing na katangi-tangi sa ibang paraan? Ngunit ang Kanyang pagiging katangi-tangi ay hindi nangangahulugang Siya ay hindi pangkaraniwan, ngunit mas mahal lang Niya ang Diyos nang higit kaysa sa ibang mga bata. Kahit na Siya ay isang tao sa paningin, ang Kanyang diwa ay katangi-tangi at iba sa lahat. Ngunit pagkatapos lamang ng Kanyang bautismo, saka Niya naramdaman ang pagkilos ng Banal na Espiritu sa Kanya, naramdaman Niya na Siya ang Diyos Mismo. Nang narating lamang Niya ang gulang na 33, naunawaan Niyang nararapat isagawa ng Banal na Espiritu sa Kanya ang gawain ng pagpapapako sa krus. Sa gulang na 32, nalaman Niya ang ilang mga katotohanan, katulad ng mga nakasulat sa Ebanghelyo ni Mateo: “At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay. … Mula ng panahong yao’y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang siya’y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya’y patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw.” Hindi Niya alam ang gawain na nararapat Niyang isagawa, ngunit sa isang tiyak na panahon. Hindi Niya ganap na nalaman nang Siya ay isinilang; unti-unting kumilos sa Kanya ang Banal na Espiritu, at mayroong paraan ng paggawa. Kung sa simula, nalaman Niyang Siya ay Diyos at Kristo, at ang nagkatawang-taong Anak ng tao, na kailangan Niyang isakatuparan ang gawain ng pagpapapako sa krus, bakit hindi Siya gumawa noon? Bakit pagkatapos Niyang sabihin sa Kanyang mga disipulo ang tungkol sa Kanyang ministeryo ay nakaramdam si Jesus ng kalungkutan, at masigasig na nanalangin para rito? Bakit binuksan ni Juan ang daan para sa Kanya at isinailalim Siya sa bautismo bago Niya maunawaan ang maraming bagay na hindi Niya maunawaan? Ito ay nagpapatunay na ito ang gawain ng Diyos na naging-tao sa katawan, at upang Kanyang maunawaan, at makamit, mayroong proseso, dahil Siya ang Diyos na naging-tao sa katawan, na Siyang gawain ay iba mula sa mga tuwirang ginawa ng Banal na Espiritu.

   Ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos ay sumusunod sa iisang agos, gayundin ang anim na libong taon ng plano ng pamamahala ng Diyos, ang bawat hakbang ay malapit na sinusundan ng pangalawa, mula sa saligan ng mundo hanggang sa kasalukuyan. Kung walang maghahanda sa daan, wala ring susundan; dahil mayroong mga sumunod, mayroon ding naghanda ng daanan. Sa paraang ito, ang bawat hakbang ng gawain ay naipasa. Ang unang hakbang ay sinusundan ng pangalawa, at kung walang magbubukas ng daan, magiging imposible na simulan ang gawain, at walang magagamit ang Diyos upang sumulong sa Kanyang gawain. Walang hakbang ang sumasalungat sa iba, at ang bawat isa ay sumusunod sa una na parang agos; ang lahat ng ito ay isinagawa ng iisang Espiritu. Ngunit hindi alintana kung mayroong naghanda ng dadaanan, o nagpatuloy sa ibang gawain, hindi ito nagpapasiya ng kanilang pagkakakilanlan. Hindi ba tama ito? Si Juan ang nagbukas ng daan, at isinagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ito ba ay nagpapatunay na ang pagkakakilanlan ni Jesus ay mas mababa sa pagkakakilanlan ni Juan? Isinagawa ni Jehovah ang Kanyang gawain bago si Jesus, masasabi mo ba na mas mataas si Jehovah kaysa kay Jesus? Hindi mahalaga kung sila ang naghanda ng daan o nagsagawa ng gawain ng iba; ang mahalaga ay ang diwa ng kanilang gawain, at ang pagkakakilanlan na kanilang kinakatawan. Hindi ba tama ito? Dahil nagbalak ang Diyos na gumawa sa kalagitnaan ng mga tao, kinailangan Niyang itaas ang mga makapaghahanda ng daan. Nang si Juan ay nagsimulang mangaral, at nagsabing, “Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas. Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.” Nangusap siya sa ganoong paraan sa simula, at bakit niya nasabi ang mga salitang ito? Sa pagkakasunud-sunod ng mga salitang ito, si Juan ang unang nangusap ng ebanghelyo sa kaharian ng langit, si Jesus ang sumunod na nangusap. Ayon sa pagkaintindi ng tao, si Juan ang nagbukas ng bagong landas, at higit na dakila si Juan kaysa kay Jesus. Ngunit hindi sinabi ni Juan na siya ay Kristo, at hindi nagpatotoo ang Diyos sa kanya bilang minamahal na Anak ng Diyos, ginamit lang siya upang buksan at ihanda ang daan para sa Panginoon. Inihanda niya ang daan para kay Jesus, ngunit hindi siya maaaring gumawa sa ngalan ni Jesus. Ang lahat ng gawain ng tao ay pinananatili ng Banal na Espiritu.

   Sa Panahon ng Lumang Tipan, si Jehovah ang nanguna sa daan, at ang gawain ni Jehovah ay kumatawan sa buong panahon ng Lumang Tipan, at ang lahat ng gawaing isinagawa sa Israel. Ipinagpatuloy lang ni Moises ang gawaing ito sa lupa, at ang kanyang paghihirap ay maituturing na pakikipagtulungan ng tao. Sa panahong iyon, si Jehovah ang nangusap, at tinawag Niya si Moises, at siya ay itinaas sa kalagitnaan ng mga tao sa Israel, at inatasan Niya si Moises upang pangunahan ang mga tao papunta sa Canaan. Hindi lang ito gawain ni Moises, ngunit ito ay utos mula kay Jehovah, kaya si Moises ay hindi maaaring tawaging Diyos. Si Moises rin ang naglatag ng kautusan, ngunit ang kautusang ito ay galing mismo kay Jehovah, na Siyang nag-utos na sabihin ni Moises. Gumawa rin si Jesus ng mga utos, at winasak ang mga kautusan sa Lumang Tipan at ibinigay ang mga utos para sa bagong panahon. Bakit si Jesus ay Diyos Mismo? Dahil ang mga ito ay magkakaiba. Sa panahong iyon, ang gawaing isinagawa ni Moises ay hindi kumatawan sa panahon, hindi rin ito nagbukas ng bagong daan; siya ay pinamahalaan ni Jehovah, at ginamit lang siya ng Diyos. Nang dumating si Jesus, nagsagawa si Juan ng gawain ng paghahanda sa daan at nagsimulang ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng langit (sinimulan ito ng Banal na Espiritu). Nang nagpakita si Jesus, tuwiran Niyang sinimulan ang Kanyang gawain, ngunit may malaking pagkakaiba sa Kanyang gawain at ang gawain at mga pagbigkas ni Moises. Si Isaias ay nagpahayag din ng maraming hula, ngunit bakit hindi siya tinawag na Diyos Mismo? Hindi nagpahayag ng maraming hula si Jesus, ngunit bakit Siya itinuring na Diyos Mismo? Walang naglalakas-loob magsabing ang gawain ni Jesus sa panahong iyon ay mula sa Banal na Espiritu, hindi rin sila naglakas-loob magsabing ito’y mula sa kalooban ng tao, o ito ay gawain ng Diyos Mismo. Walang kakayahan ang taong magsuri ng ganoong mga bagay. Maaaring sabihin na si Isaias ay nagsagawa ng ganoong mga gawain, at nagpahayag ng ganoong mga hula, at ang lahat ng ito ay mula sa Banal na Espiritu; hindi ito tuwirang nagmula kay Isaias, ngunit ito ay mga pagbubunyag mula kay Jehovah. Hindi nagsagawa ng maraming gawain si Jesus, at hindi nangusap ng maraming salita, hindi rin Siya nagpahayag ng maraming hula. Para sa tao, ang Kanyang mga pangaral ay hindi masyadong itinaas, ngunit Siya pa rin ang Diyos Mismo, at iyon ay hindi maipapaliwanag ng tao. Walang sinuman ang naniwala kay Juan, o kay Isaias, o kay David, walang sinuman ang tumawag na Diyos sa kanila, o Diyos na David, o Diyos na Juan; walang nagsabi ng ganoon, at si Jesus lang ang tinawag na Kristo. Ang pag-uuring ito ay ginawa ayon sa patotoo ng Diyos, sa isinagawa Niyang gawain at sa ministeryong Kanyang isinakatuparan. Kaugnay ng mga malalaking tao sa Biblia—Abraham, David, Josue, Daniel, Isaias, Juan at Jesus—sa pamamagitan ng mga gawaing kanilang isinagawa, masasabi mo kung sino ang Diyos Mismo, at kung sino ang mga propeta at kung sino ang mga apostol. Kung sino ang mga ginamit ng Diyos, at kung sino ang Diyos Mismo, makikita ang kanilang pagkakaiba sa pamamagitan ng kanilang diwa at ang uri ng gawain na kanilang isinagawa. Kung hindi mo makita ang pagkakaiba, ito ay nagpapatunay na hindi mo alam ang kahulugan ng paniniwala sa Diyos. Si Jesus ay Diyos dahil nangusap Siya ng maraming salita, at nagsagawa ng maraming gawain, at nagpahayag Siya ng mga himala. Gayundin, si Juan ay nagsagawa rin ng maraming gawain, at nangusap ng maraming salita, gayundin si Moises; bakit hindi sila tinawag na Diyos? Si Adan ay tuwirang nilikha ng Diyos; bakit hindi Siya tinawag na Diyos, sa halip ay tinawag na nilalang? Kung mayroong magsasabi sa iyo, “Ngayon, nagsagawa ng maraming gawain ang Diyos, nangusap ng maraming salita; Siya ang Diyos Mismo. Samakatwid, nararapat ding tawaging Diyos si Moises dahil siya at nangusap ng maraming salita!” dapat mo silang tanungin, “Sa panahong iyon, bakit nagpapatotoo ang Diyos kay Jesus, at hindi kay Juan, bilang Diyos Mismo? Hindi ba lumapit si Juan kay Jesus? Ano ang mas dakila, ang gawain ni Juan or ni Jesus? Para sa tao, nagmimistulang mas dakila si Juan kaysa kay Jesus, ngunit bakit nagpatotoo ang Banal na Espiritu kay Jesus at hindi kay Juan?” Pareho ang nangyayari sa ngayon! Sa simula, nang pinangunahan ni Moises ang mga tao sa Israel, nangusap si Jehovah sa kanya mula sa mga ulap. Hindi tuwirang nangusap si Moises, sa halip ay pinangunahan siya ni Jehovah. Ito ang gawain ng Israel sa Lumang Tipan. Wala kay Moises ang Espiritu o ang pagka-Diyos ng Diyos. Hindi niya magagawa ang ganoong gawain, kaya mayroong malaking pagkakaiba sa pagitan ng kanyang ginawa at sa ginawa ni Jesus. At ito ay dahil ang isinagawa nilang gawain ay magkaiba! Kung ang isang tao ay ginamit ng Diyos, o isang propeta, o apostol, o ang Diyos Mismo, ito ay malalaman sa pamamagitan ng kalikasan ng kanyang gawain, at ito ang katapusan ng iyong pagdududa. Nakasaad sa Biblia na tanging ang Kordero ang makapagbubukas sa pitong selyo. Sa loob ng ilang panahon, maraming mga tagapagpaliwanag ng banal na kasulatan sa mga dakilang tao na iyon, maaari mo bang sabihin na lahat sila ay Kordero? Maaari mo bang sabihin na ang kanilang mga paliwanag ay mula sa Diyos? Sila ay mga karaniwang tagapagpaliwanag lang; wala silang pagkakakilanlan ng Kordero. Paano sila magiging karapat-dapat na magbukas ng pitong selyo? Ito ay totoo na “Tanging ang Kordero ang makapagbubukas ng pitong selyo,” ngunit hindi Siya pumarito upang buksan lamang ang pitong selyo; walang pangangailangan sa gawaing ito, ito ay ginawa nang hindi sinasadya. Siya ay perpektong malinaw tungkol sa Kanyang sariling gawain; kailangan ba Niyang maglaan ng maraming oras upang maipaliwanag ang banal na kasulatan? Dapat bang idagdag sa anim na libong taon ng gawain ang “panahon ng Kordero na nagpapaliwanag ng banal na kasulatan”? Pumarito Siya upang magsagawa ng bagong gawain, ngunit Siya rin ay nagbibigay ng mga pagbubunyag tungkol sa mga gawain sa nakaraan, ipinaiintindi sa tao ang katotohanan ng anim na libong taong gawain. Hindi na kailangang ipaliwanag ang maraming sipi mula sa Biblia; ang susi ay ang gawain ngayon, na siyang mahalaga. Dapat mong malaman na hindi dumating ang Diyos upang sirain ang pitong selyo, pumarito Siya upang isagawa ang gawain ng pagliligtas.

   Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa huling mga araw, ngunit paano Siya bababa? Ang makasalanang tulad mo, na Kanyang tinubos, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—ganoon ka kaya dapat kapalad! Nakalimutan mo ang isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay tinubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos Mismo ang kailangang bumago at luminis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang matamo ang pamana ng Diyos.

   Kung wala ang pagsisimula ng bagong yugto ng gawain na ito, sino ang nakaaalam kung hanggang saan kayo makararating, kayong mga mangangaral, tagapagpaliwanag, at tinatawag na mga dakilang espiritwal na tao! Kung wala ang pagsisimula ng bagong yugto ng gawain na ito, ang inyong sinasabi ay lipas na! Ito ay alinman sa pag-akyat sa trono, o ang paghahanda sa katayuan ng pagiging hari; alin man sa pagtatanggi sa sarili o pagsupil sa katawan ng isa; alin man sa pagiging matiisin o pagkatuto sa aral ng mga bagay; alin man sa kababaang-loob o pag-ibig. Hindi ba’t ito’y pagsabi lang ng dating parehong aral? Ito ay isang kalagayan lang ng pagtawag ng parehong bagay sa magkaibang pangalan! Alin man sa pagtatakip sa ulo ng isang tao at paghahati ng tinapay, o pagpapatong ng mga kamay at pagdarasal, at pagpapagaling sa may sakit at pagpapalayas sa mga demonyo. Magkakaroon ba ng bagong gawain? Magkakaroon ba ng inaasam na pag-unlad? Kung ikaw ay magpapatuloy na mamuhay ng ganito, susunod ka na parang bulag sa mga aral, o sumunod sa kaugalian. Naniniwala kayo na ang inyong gawain ay napakatayog, ngunit alam ba ninyo na ito ay ipinasa at itinuro ng mga “matatandang tao” noong sinaunang panahon? Hindi ba’t ang inyong mga sinasabi at ginagawa ay mga huling salita ng mga matatandang tao? Hindi ba’t ito ay mga utos ng mga matatandang tao bago sila mamatay? Sa tingin ba ninyo ang inyong mga kilos ay higit sa kilos ng mga apostol at propeta sa mga nakaraang salinlahi, at higit sa lahat ng bagay? Ang simula ng yugtong ito ng gawain ay tumapos sa inyong pagmamahal sa gawain ng paghahangad na maging hari at umakyat sa trono ni Witness Lee, at pinigil ang inyong kayabangan, upang hindi kayo makialam sa yugtong ito ng gawain. Kung wala ang yugto ng gawain na ito, kayo ay lulubog nang mas malalim sa hindi na matutubos. Napakarami ng mga lipas na nasa inyo! Sa kabutihang-palad ang gawain sa ngayon ay ibinalik kayo; kung hindi, sino ang nakakaalam kung saang landas kayo pupunta! Dahil ang Diyos ay ang Diyos na laging bago at hindi naluluma, bakit hindi ka naghahangad ng mga bagong bagay? Bakit ka nananatili sa mga lumang bagay? Ang pag-alam sa gawain ng Banal na Espiritu ngayon ang pinakamahalaga!

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay hindi isinama ang “ang pagkaunawa sa.”

b. Ang orihinal na teksto ay hindi isinama ang “naglalakad sa.”

c. Ang orihinal na teksto ay hindi isinama ang “ang pagsubok ng.”

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan: “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan”

Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mag-iwan ng puna